Isang karangalan para sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang pagkamit ng "Highly Functional" rating sa katatapos na LCAT-VAWC Functionality Assessment para sa Performance Year CY 2025.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagtutulungan ng ating mga tanggapan at katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng mga programa para sa proteksyon, karapatan, at kapakanan ng kababaihan at kabataan.
Maraming salamat sa DILG-Cavite sa pagkilala. Patuloy nating pag-iigihin ang serbisyo at pamamahala para sa bawat Naicqueño.
