Bilang panimula ng linggo, isinagawa noong Lunes, Agosto 24, 2026, ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama sina Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo, Konsehal Ryan "Wakay" Flores, mga department heads, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic.
Naging host ng seremonya ang Barangay Sapa, na nakiisa sa pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod para sa ating mga Naicqueño.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy nating isulong ang maayos na serbisyo at sama-samang pagkilos para sa Bayan ng Naic.



