Batay sa Memorandum Circular No. 131 mula sa Tanggapan ng Pangulo, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang regular na trabaho sa ilang tanggapan ng pamahalaan, ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026, dahil sa patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Mananatiling operational ang mga ahensyang may kinalaman sa kalusugan, disaster response, public safety, at iba pang essential services. Ang mga empleyadong hindi kailangang pumasok sa pisikal na opisina ay susunod sa alternative work arrangements.
Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mag-shift sa modular distance learning upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
Paalala
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Emergency Hotlines
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
