Patuloy ang isinagawang Cable Cutting and Pole Clearing Operation ngayong Miyerkules, Hunyo 10, 2026, sa pangunguna ng Office of the Municipal Engineer (Engineering), katuwang ang MIESCOR/Meralco FAM at mga Telco Providers, sa kahabaan ng Naic Municipal Hall frontage mula Petron hanggang Imperial Area, Brgy. Ibayo Silangan.
Layunin ng operasyon
Ihanda ang lugar para sa paglilipat ng mga primary/high-voltage electrical lines mula sa mga lumang poste ng Meralco papunta sa mga bagong poste. Kaugnay nito, inaayos, inililipat, o tinatanggal ang mga apektadong communication cables ng telco providers upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at mas maging maayos ang utility lines sa lugar.
Paalala sa publiko
Inaasahang magpapatuloy ang aktibidad hanggang Huwebes, Hunyo 11, 2026. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at umiwas muna sa pagparada malapit sa mga lugar na may ongoing operation.



