Ang Municipality of Naic ay buong pagmamalaking inilulunsad ang programang "Healthy Streets Naic – Step Out, Breathe Free, Be Well" alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-008 at sa Sb Ordinance na nagsusulong ng aktibo at malusog na pamumuhay para sa lahat ng Naiceño.
Iskedyul
Epektibo simula: Hunyo 14, 2026
Oras: Tuwing itinakdang araw, 5:00 AM hanggang 8:00 AM
Ruta ng Programa
Mula Petron Ibayo Silangan hanggang 7-Eleven Querubin.
Car-Free Zone
Tingnan ang Program Route. Sa itinakdang oras, ipinagbabawal ang lahat ng pribado at pampublikong de-motor na sasakyan sa loob ng tinukoy na ruta upang magkaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran para sa pisikal na aktibidad at pakikilahok ng komunidad.
Pinapayagang Gawain
- Paglalakad, pag-jogging, at pagtakbo
- Pagbibisikleta at rollerblading
- Zumba, aerobics, at fitness programs
- Health, wellness, at nutrition campaigns
- Environmental awareness at community activities
Sasakyang Exempted
- Ambulansya at medical emergency vehicles
- Fire trucks
- Police at military vehicles na rumerespondi sa emergency
- Opisyal na government vehicles na nagsasagawa ng mahahalagang tungkulin
- Sasakyang naghahatid ng PWDs, senior citizens, at persons with mobility impairments
- Residente na nakatira sa apektadong sona
Komersyal na Gawain
Lahat ng komersyal na gawain ay nangangailangan ng paunang pag-apruba at kinakailangang permit mula sa Municipal Government of Naic.
Parusa sa Paglabag
- Unang paglabag: Babala
- Ikalawang paglabag: ₱1,000
- Ikatlong paglabag: ₱2,500
Sama-sama nating buuin ang mas ligtas na mga kalsada, mas malusog na komunidad, at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat Naiceño.

