Naganap ang clean-up drive na pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at katuwang ang patuloy na suporta ni Mayor Rommel Magbitang. Ngayong Sabado, January 31, 2026, sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Nagkaisa ang mga kawani, at boluntaryong Naicqueño sa paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagbaha, mapanatili ang kaayusan sa komunidad, at mapalakas ang disiplina at malasakit ng bawat Naicqueño sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Bayan ng Naic.



