Sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at sa walang tigil na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, nagkaisa ang mga kawani at boluntaryong Naicqueño sa clean-up drive sa Brgy. Sabang, Naic nitong Sabado, Enero 31, 2026.
Layunin
Layunin ng aktibidad na linisin ang kapaligiran, maiwasan ang pagbaha, at palakasin ang malasakit at disiplina ng bawat Naicqueño sa pangangalaga ng kalikasan.
Patunay ito ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad para sa mas malinis at maayos na Bayan ng Naic.
