Naganap ang regular na flagraising ceremony kung saan binigyang pansin ang pagdiriwang ng 36th Civil Registration Month sa pangunguna ng Office of the Municipal Civil Registrar, kasabay ng paggunita sa National Arts Month.

Ibinahagi ni Mayor Rommel Magbitang ang kahalagahan ng digitalization bilang susi sa mas mabilis at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Kasama rin sa programa ang grupo ng Centro de Naic na nakamit ang 4th place sa Sinemunti sa Division Festival of Talents, gayundin ang makulay na pagtatanghal ng grupong Maguagi na nagbigay-daan sa pagpapakita ng husay at talento ng mga Naicqueño.

Patuloy ang Bayan ng Naic sa pagsusulong ng mahusay at makabagong pamamahala.