Nagkakaisang Hakbang para sa Mas Maayos na Kapaligiran sa Bayan ng Naic

Naganap ang Clean-Up Drive nitong February 7, 2026, sa kahabaan ng highway ng Barangay Muzon, kung saan nagpakita ng aktibong pakikiisa ang mga Naicqueño. Ang ganitong sama-samang pagkilos ay patunay ng disiplina at malasakit ng komunidad para mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang kapaligiran sa Bayan ng Naic.

Sa pagtutulungan ng bawat isa, mas napagtitibay ang responsableng pangangalaga sa ating kapaligiran para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon. Patuloy ang panawagan na makiisa sa mga gawaing pangkomunidad na naglalayong panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa ating bayan ng Naic.