Babala sa pekeng account

Mga Kababayang Naicqueño, maging mapagmatyag po tayo. May namataan tayong isang pekeng Facebook account na gumagamit sa pangalan ni Mayor Rommel Magbitang upang manlinlang.

Mga paalala

  • Huwag tayong mag-engage: Iwasan nating mag-send ng mensahe o magbigay ng anumang impormasyon sa pekeng account na ito.
  • Maging matalino sa impormasyon: Siguraduhin nating sa mga opisyal na channel lamang tayo kumukuha ng balita para sa seguridad ng ating pamilya.
  • Sama-samang kumilos: Ang kaligtasan ng ating online space ay nakasalalay sa ating pagkakaisa.

Paano i-report ang account

Hinihiling po ang tulong ng LAHAT na i-REPORT ang account na ito:

  1. Pumunta sa fake profile.
  2. I-click ang three dots (...).
  3. Piliin ang Report Profile → Pretending to be someone → A public figure.

Sama-sama nating sugpuin ang panlilinlang. Protektahan po natin ang dangal ng ating pamunuan at ang katahimikan ng ating mahal na bayan ng Naic.