State of the Children's Address
Sa patuloy na suporta ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Congresswoman Aniela Tolentino, matagumpay na pinagdiwang ang State of the Children's Address. Tampok sa programa ang pagpapalakas ng mga adbokasiya para sa kapakanan, proteksiyon, at patuloy na paglago ng mga batang Naicqueño bilang bahagi ng National Children's Month.
Educational Assistance Payout
Kasunod ng aktibidad, isinagawa rin ang payout para sa Educational Assistance para sa mga Senior High School at College students, pati narin ang honorarium para sa mga Latin Honor awardees. Layunin nitong kilalanin ang kanilang sipag at dedikasyon, at makatulong sa kanilang pag-aaral at patuloy na pag-abot ng pangarap.
Patuloy na isinusulong ng Bayan ng Naic ang programang nagbibigay suporta sa kabataan, edukasyon, at kinabukasan ng bawat Naicqueño.



