Ayon sa ibinabang Memorandum Order No. 31 S.O 2026, magkakaroon ng pansamantalang adjustment sa oras ng serbisyo sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Naic para lamang sa linggong ito, mula Lunes, Agosto 17, 2026 hanggang Huwebes, Agosto 20, 2026.
Operating hours mula Lunes hanggang Huwebes ay magiging 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Ito ay bilang paghahanda at alinsunod sa idineklarang National Special Non-Working Holiday sa Biyernes, Agosto 21, 2026 (Ninoy Aquino Day), kung kailan mananatiling sarado ang mga tanggapan ng pamahalaan.
Summary Schedule para sa Linggong Ito
| Petsa | Oras | Katayuan |
|---|---|---|
| Agosto 17, 2026 (Lunes) | 8:00 AM - 5:00 PM | Bukas ang mga tanggapan |
| Agosto 18, 2026 (Martes) | 8:00 AM - 5:00 PM | Bukas ang mga tanggapan |
| Agosto 19, 2026 (Miyerkules) | 8:00 AM - 5:00 PM | Bukas ang mga tanggapan |
| Agosto 20, 2026 (Huwebes) | 8:00 AM - 5:00 PM | Bukas ang mga tanggapan |
| Agosto 21, 2026 (Biyernes) | Holiday | Ninoy Aquino Day |
Inaanyayahan ang lahat na isaalang-alang ang schedule na ito sa pagpaplano ng inyong mga transaksyon sa munisipyo.
Babalik sa regular na schedule ang ating mga tanggapan sa susunod na linggo. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
