Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall ngayong Lunes, Agosto 17, 2026, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama sina Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo, Konsehal Ryan "Wakay" Flores, mga department heads, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Naic. Naging host ng programa ang Naic Youth Development Council kasama ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation.

Mga bagong Municipal Junior Officers

Bahagi rin ng programa ang pagpapakilala sa mga bagong Municipal Junior Officers:

  • Jazmine Eroles – Junior Municipality Mayor
  • Misty Rae G. Guanzon – Junior Municipality Vice-Mayor
  • Janelle Diesta – Junior ABC President
  • Nikki Baylosis – Junior SKF President
  • Benj Yzziah Api – Junior Municipal Councilor
  • Princess Gean Bitbit – Junior Municipal Councilor
  • Trisha Corpin – Junior Municipal Councilor
  • Jero Echon – Junior Municipal Councilor
  • Calia Poblete – Junior Municipal Councilor
  • Mary Jareen Espina – Junior Municipal Councilor
  • Fhaye Binauhan – Junior Municipal Councilor

Ang programa ay bahagi ng pagbibigay sa kabataan ng pagkakataong matuto, makilahok, at magkaroon ng karanasan sa pamamahala at paglilingkod sa Bayan ng Naic.

Congratulations sa ating mga bagong Municipal Junior Officers!