Walang pasok
Dahil sa patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Lunes, Agosto 17, 2026.
Tuloy ang pag-aaral
Bagamat walang klase, tuloy ang pag-aaral. Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
Paalala para sa mga NaicqueΓ±o
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Emergency hotlines
| Ahensya | Numero |
|---|---|
| MDRRMO Hotline | 410-5725 / 0917-812-8186 |
| PNP Hotline | 0998-598-5621 |
| BFP Hotline | 0956-4830-226 / 0956-4830-753 |
