Financial Literacy Training, hatid ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty

Naganap nitong Huwebes, Oktubre 29, 2026 sa Triple 8 Function Hall, Barangay Sabang, Naic, Cavite ang pagsasanay para sa mga Naicqueño, bilang bahagi ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty.

Sa pamamagitan nito, pinapalakas ang kaalaman ng bawat pamilya sa wastong pangangasiwa ng pera, upang makatulong sa pagtugon sa kagutuman at kahirapan sa Bayan ng Naic.