Isinagawa nitong Oktubre 29, 2026 ang Grow Your Negosyo ng BDO Network Bank sa Arena Stadium Shopping Strip.

Dinaluhan ito nina Mayor Rommel Magbitang, Konsehal Ryan "Wakay" Flores, kasama si Ms. Krizza Paula Nazareno, OIC ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Bayan ng Naic. Nakiisa rin si Mr. Jesus Antonio S. Itchon, Pangulo ng BDO Network Bank, at ang brand ambassador ng BDO na si Coco Martin.

Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa BDO Network Bank para sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga Naicqueño na matuto at palaguin ang kanilang mga negosyo, katuwang ang BPLO sa pagsuporta sa ating mga negosyante.