Pamamahagi ng First Aid at clean-up

Naganap ang pamamahagi ng First Aid & Hygiene Kit supplies sa Mabulo Elementary School at Muzon Elementary School sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang suporta sa paghahanda para sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral na Naicqueño.

Isinagawa rin ang clean-up operation sa Mabulo Elementary School at Muzon Elementary School upang makatulong sa pagpapanatili ng mas maayos at mas ligtas na kapaligiran para sa ating mga kabataan.