Naganap ang First Quarter Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting upang talakayin ang mahahalagang hakbang para sa kaligtasan at kahandaan ng bayan ng Naic.

Mga agenda

  • Presentasyon ng hazard maps mula sa DENR-MGB
  • Paghahanda para sa Disaster Resilience Month Rescue Challenge
  • Mga plano para sa Semana Santa 2026 kabilang ang preparedness at traffic management
  • Mga aktibidad para sa Naic Foundation Week ngayong Huwebes, Marso 19, 2026, sa ABC Hall

Patuloy ang pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic para sa mas ligtas at maayos na komunidad para sa lahat ng Naicqueño.