Localized Social Pension Payout

Inaanyayahan ang ating mga senior citizens na makiisa sa Localized Social Pension payout ngayong Lunes, Marso 23, 2026 (8:00 AM – 11:00 AM). Maaring magpunta lamang sa sumusunod na lokasyon:

  • Timalan Concepcion – Covered Court
  • Munting Mapino – Covered Court

Mangyaring sundin ang itinakdang oras at lugar upang maging maayos ang pamamahagi ng benepisyo.

Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman maari nyong i-follow ang official Facebook page ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) - Municipality of Naic Cavite.