Flag-Raising Ceremony sa Bayan ng Naic

Isinagawa ang lingguhang Flag-Raising Ceremony sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Konsehal Raymond Senia at ang mga kawani ng iba't ibang tanggapan ngayong Lunes, January 26, 2026, sa Naic Municipal Hall.

Pinangunahan ng mga kawani ng Barangay Bancaan ang seremonya ngayong umaga. Sa naging mensahe ni Mayor Rommel Magbitang, ipinaabot ang pasasalamat at pagkilala sa dedikasyon ng lahat ng lingkod-bayan sa paghahatid ng tapat na serbisyo para sa ating bayan ng Naic.

Tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic ang patuloy na pagkakaisa sa pagtupad ng tungkulin para sa ika aangat ng bawat Naicqueño.