Matagumpay na isinagawa ang Earthquake Preparedness and Safety Training sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang at sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Biyernes, January 23, 2026, sa Stadium Shopping Strip, Naic Cavite.
Pinapalakas ng aktibidad na ito ang antas ng kahandaan ng bawat sektor at institusyon sa Bayan ng Naic. Sa pamamagitan ng seryosong pagsasanay sa disaster preparedness, tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic ang kaligtasan at proteksyon ng bawat Naicqueño sa oras ng sakuna.
