Matagumpay na isinagawa ang Earthquake Preparedness and Safety Training and Seminar, sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa disaster preparedness at kaligtasan ng komunidad.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dinaluhan ng iba't ibang sektor at institusyon sa bayan ng Naic.

Noong Biyernes, Enero 23, 2026, sa Stadium Shopping Strip.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas napalalakas ang kaalaman ng mga Naicqueño sa tamang paghahanda at wastong aksyon sa oras ng lindol, na mahalaga upang maiwasan ang pinsala at maprotektahan ang buhay at ari-arian sa oras ng sakuna.