Flag Raising Ceremony
Sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, masiglang isinagawa ang regular Flag Raising Ceremony, tampok ang dance performance ng Naic Public Market staff. Nagbigay rin ng mensahe si Vice Mayor Jacinta Remulla na nagpaabot ng pasasalamat sa dedikasyon ng mga lingkod-bayan.
Nagbahagi rin si Yorme Rommel Magbitang ng mahahalagang pahayag ukol sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Bayan ng Naic at sa nalalapit na pagbisita ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong linggo.



