Makikibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Naic sa nalalapit na Kadiwa ng Pangulo, na gaganapin sa Naic Town Plaza ngayong Martes, Nobyembre 25, 2025.
Layunin nitong maihatid sa mga Naicqueño ang abot-kayang bilihin, sariwang produkto, at mas direktang koneksyon sa mga magsasaka at lokal na suppliers.
Bilang katuwang ng pambansang pamahalaan, buong suporta ang ibibigay ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Naic sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng programa. Sa tulong ng koordinasyon sa iba't ibang ahensya at patuloy na pakikiisa ng ating mga kapwa Naicqueño, inaasahan nating mas mapapalapit sa bawat pamilyang Naicqueño ang mas mura at mas de-kalidad na bilihin dito sa bayan ng Naic.
