Sustainable Livelihood Program Contract Signing

Sa inisyatibo ni Mayor Rommel Magbitang, mas lalong pinagtibay ang suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic para sa kabuhayan ng bawat Naicqueño sa naganap na Sustainable Livelihood Program (SLP) Signing of Contract noong November 19, 2025 sa Naic Covered Court.

Sa kanyang pakikibahagi, nagbigay si Yorme Rommel Magbitang ng mensahe ng inspirasyon at pagpapatibay-loob sa mga benepisyaryong handang magsimula at magpatuloy sa kanilang mga livelihood projects. Ang programang ito, katuwang ang DSWD, ay nagsisilbing daan upang mabigyan ng dagdag na oportunidad ang ating mga kababayan na mapalago ang kanilang kabuhayan at makapagtatag ng mas magandang kinabukasan.

Muling ipinamalas ng lokal na pamahalaang bayan ng Naic ang matibay na pangako na suportahan ang mga programang nagpapalakas sa ekonomiya ng Barangay at Bayan ng Naic, para sa mas mabuti, mas matatag, na pamilyang Naicqueño.