Matagumpay na naisagawa ang regular Flag-Raising Ceremony na pinangunahan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pangunguna ni Ms. Krizza Paula Nazareno, ang Officer In-charge, nitong Lunes ng umaga, Oktubre 20, 2025, sa Naic Municipal Hall.
Nagbigay ng inspiradong pambungad na mensahe si Konsehal Ryan Flores, at naghatid naman ng pagbati ng suporta kay Yorme Rommel Magbitang at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic.
Tampok rin sa programa ang presentasyon ng likha kwento na pinamagatang "Lata" na kinuwento ni Rhian Angel Nieva mula sa Malainen Bago Integrated School.
Kaugnay ng seremonya, ipinagdiwang rin ang National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) 2025 na naglalayong mapalalim ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng makatao at makabagong paraan ng pagbibigay ng serbisyong pampiitan.



