Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin Nr. 17, na inilabas ng DOST-PAGASA noong 11:00 AM, Oktubre 19, 2025, nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 na ang buong lalawigan ng Cavite dahil sa Bagyong (FENGSHEN).

Pinapayuhan ang lahat ng naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o sa pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.

Patuloy ang pagmo-monitor ng lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.

Paalala para sa mga Naicqueño

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang mga alagang hayop sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency hotlines

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
  • MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504