Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, naisagawa ang Road Clearing Operations noong Martes, Oktubre 21, 2025, sa Hills View, Naic, Cavite.

Mga katuwang na ahensya

Sa pakikipagtulungan ng:

  • Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
  • Philippine National Police (PNP)
  • Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
  • Bureau of Fire Protection (BFP)
  • Business Permit and Licensing Office (BPLO)

Sama-samang tinanggal ang mga nakaharang na sasakyan at iba pang sagabal sa kalsada upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng trapiko para sa mga Naicqueño.

Layunin

Layunin ng programa na mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng mga pangunahing daanan sa bayan ng Naic.

Patunay ito ng patuloy na malasakit ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagtataguyod ng kalinisan at kaligtasan sa kalsada para sa bawat Naicqueño.