Naganap ang flagraising ceremony ngayong Lunes, Mayo 25, 2026, sa Naic Municipal Hall sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama ang mga kawani mula sa Barangay Molino at iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo para sa mga Naicqueño.
Naging pagkakataon rin ito upang higit pang pagtibayin ang pagkakaisa, disiplina, at patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit para sa Bayan ng Naic.



