Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang kasama si Congresswoman Aniela Tolentino at Tagaytay City Vice Mayor Agnes Tolentino sa isinagawang 8th District Grand Medical and Dental Mission sa Triple 8, Barangay Sabang ngayong May 21, 2026.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang libreng konsultasyon at check-up, blood chemistry, pagbibigay ng gamot, dental services tulad ng pustiso, at gupit, na malaking tulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Naicqueño.

Patuloy ang pagsuporta ng Bayan ng Naic sa mga programang pangkalusugan na naglalapit ng serbisyong medikal sa bawat mamamayan.