Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, patuloy ang pamamahagi ng school supplies sa mga paaralan sa Bayan ng Naic bilang suporta sa paghahanda ng ating mga mag-aaral para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Ngayong Lunes, Mayo 25, 2026, naihatid ang mga school supplies sa:

  • Labac Elementary School
  • Mabulo Elementary School
  • Bucana Malaki Elementary School
  • Bancaan Elementary School
  • Timalan Elementary School (Timalan Concepcion)
  • Bucana Sasahan Elementary School
  • Ibayo Estacion Elementary School

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng bawat batang Naicqueño tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.