Matagumpay na isinagawa ang MaPangBata Training nitong Huwebes, December 4, 2025, sa Triple 8 Building, Sabang, Naic, Cavite.

Layunin ng programa na itaguyod ang positive parenting, palakasin ang ugnayan ng magulang at anak, at lumikha ng mas ligtas at nurturing na tahanan para sa healthy child development.

Dinaluhan ito ng mga magulang mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Naic bilang suporta sa mas asensado at mas makabuluhang kinabukasan ng kabataang Naicqueño.