Isinagawa sa Bayan ng Naic ang Oath-Taking ng mga bagong halal na opisyal at ang Monthly Meeting ng League of Assessors of the Province of Cavite, Inc. Ngayong Martes, Oktubre 13, 2026, sa Triple 8 Building, Barangay Sabang.
Pagtanggap sa mga bisita
Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang ang mga opisyal at miyembro ng samahan. Nagpapasalamat ang Bayan ng Naic sa pagpili sa ating bayan bilang lugar ng pagtitipon, at nananatiling bukas ang Naic para sa mga katuwang na samahan at ahensya, kasama ang mga Naicqueño.



