Isinagawa ang libreng HPV vaccination noong October 23, 2026 sa Covered Court Plaza, sa pangunguna ni Dra. Rommelyn Magbitang at ng Municipal Health Office (MHO). Bukas ito sa unang 100 kababaihang may edad 9 hanggang 45 taong gulang.
Layunin ng programa na maprotektahan ang mga Naicqueña laban sa cervical cancer sa pamamagitan ng bakuna.



