Pakikipagtalakayan kasama ang PCCI Cavite

Bumisita sa Naic Municipal Hall ngayong Martes, Hulyo 14, 2026, ang Members of the Board of Trustees ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Cavite, sa pangunguna ni President Hamilton Chua, upang makipagtalakayan kasama si Mayor Rommel Magbitang patungkol sa mga polisiya at inisyatibang makatutulong sa pagpapalago ng kabuhayan, negosyo, at pamumuhunan sa Bayan ng Naic.