Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang joint meeting kasama ang mga opisyal ng Homeowners Associations (HOA) at Task Force Housing sa Calubcob Daycare Center, Walong Butas, upang talakayin ang mga suliranin sa pabahay tulad ng kuryente, patubig, drainage, transportasyon, at open spaces.

Dumalo rin si Former Municipal Councilor Atty. Ferdinand "Ding" Wakay bilang head ng Task Force Housing, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya. Nagpahayag ng pasasalamat si Magbitang sa aktibong partisipasyon at tiniyak ang patuloy na aksyon ng lokal na pamahalaan upang pagbutihin ang buhay ng mga Naicqueño.