Walang pasok
Dahil sa inaasahang pagpasok ng Bagyong at inaasahan itong maging Super Typhoon, suspendido ang pasok sa darating na Lunes, Nobyembre 10, 2025, sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado, sa Bayan ng Naic.
Suspendido rin ang pasok ng kawani ng pamahalaang lokal sa Lunes, Nobyembre 10, 2025, maliban sa mga essential employees na kailangang magpatuloy sa kanilang serbisyo.
Ito ay bilang pag-iingat sa kaligtasan ng bawat Naicqueño sa inaasahang malakas na ulan at hangin dulot ng bagyo.
Paalala sa mga paaralan
Kahit walang klase, inaabisuhan ang mga paaralan sa bayan ng Naic na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
Paalala sa mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat
Ating pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Mga dapat tandaan
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Mga emergency hotline
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
- MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504
