Paalala sa paglikas
Pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Sa bawat sakuna, dapat isama sa paglilikas ang ating mga alagang hayop sapagkat sila rin ay mga buhay na kailangang iligtas at ingatan.
Hindi pa rin humihinto sa pagmo-monitor ang ating lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.
Huwag nating kalimutan
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Emergency hotlines
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
- MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504


