Pahayag ng Pamahalaang Bayan ng Naic
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang nangyaring insidente patungkol sa pagnanakaw sa Naic Municipal Hall.
Hinihikayat ang lahat na maging maingat, mapagmatyag, at agad na mag-ulat kung may nakikita o nalalaman na makatutulong sa imbestigasyon. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa bayan ng Naic.
