Tagumpay para sa Bayan ng Naic!

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang pagkilalang 2025 Seal of Child-Friendly Local Government Awardee!

Ang karangalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan at iba't ibang sektor na maghatid ng mga programang nakatuon sa kaligtasan, kalusugan, edukasyon, at pangkalahatang kapakanan ng mga batang Naicqueño.

Nagpapasalamat ang Bayan ng Naic sa lahat ng opisina, ahensya, organisasyon, at pamilyang naging katuwang sa pag-abot ng pagkilalang ito. Patuloy ang paglikha ng mga programang nagbibigay-proteksiyon at oportunidad sa kabataan, upang masiguro ang isang mas ligtas, mas maayos, at mas makulay na kinabukasan para sa bawat batang Naicqueño.