Isang kwento ng katapatan ang muling nagbigay-pugay sa ating mahal na Bayan ng Naic ngayong araw, Pebrero 18, 2026. Sa gitna ng paggunita ng Ash Wednesday, ipinamalas ni Mr. Renato Naquimen ang tunay na karakter ng isang Naicqueño matapos niyang makapulot at agad na isuko ang isang bag na naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan sa ating Municipal Hall.

Sa halip na pag-interesan, hindi nag-atubili si Mr. Renato na ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad upang matiyak na maibabalik ang mga gamit sa tunay na may-ari. Ang ganitong mga simpleng gawa ng kabutihan ay patunay na ang katapatan ay buhay na buhay sa puso ng bawat mamamayan sa ating bayan.

Sana ay magsilbing paalala ito sa ating lahat na ang paggawa ng tama ang tunay na yaman ng ating pagkatao.