Local Recruitment Activity sa Bayan ng Naic

Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho! Muling magsasagawa ng Local Recruitment Activity (LRA) sa darating na Huwebes, Pebrero 19, 2026, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM sa PESO Office, Naic Municipal Hall.

Sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang at ng PESO Naic, katuwang ang mga kumpanyang SM Hypermarket Naic Stadium at FortuneKing Sabang para sa mga sumusunod na posisyon sa Store Operations:

  • Customer Assistant
  • Cashier
  • Bagger
  • Store Clerk
  • Technical Clerk

Layunin ng aktibidad na ito na mailapit ang mga lehitimong employer sa bawat Naicqueño at masuportahan ang kabuhayan ng mga pamilya sa ating bayan ng Naic.

Huwag kalimutang dalhin ang inyong updated resume at sariling ballpen. Kita-kits sa PESO Office!