Matagumpay na isinagawa ang LGBT Pilipinas One Naic Meeting and Election nitong nakaraang Sabado, Hulyo 19, 2025, kung saan nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng ating LGBTQIA+ community upang pagtibayin ang pagkakaisa, pagpili ng mga bagong lider, at paglatag ng mga adhikain para sa mas inklusibong bayan ng Naic.

Isang makasaysayang araw ng pagkakabuklod, pakikinig, at pagboto, patunay na kung iisa ang tinig ng komunidad, mas malakas ang hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay at pag-asa!

Sa LGBT Pilipinas ONE NAIC, iisa ang kulay ng pagkakaunawaan: ang kulay ng pagmamahal, respeto, at pagtanggap.