Alinsunod sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), suspendido ang trabaho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Miyerkules, Hulyo 23, 2025, kabilang ang buong lalawigan ng Cavite.

Gayunpaman, ang mga ahensya na may tungkulin sa pagbibigay ng pangunahin, mahahalaga, at serbisyong pangkalusugan, pati na rin sa mga gawain kaugnay ng kahandaan at pagtugon, ay kinakailangang magpatuloy sa operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko sa kabila ng deklarasyon ng work suspension.

Ang mga non-vital government employees mula sa mga nasabing ahensya, at lahat ng iba pang empleyado ng pamahalaan, ay maaaring i-engage sa ilalim ng approved alternate work arrangements, alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran, at regulasyon.

Ang localized na pagkansela o pagsuspinde ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ibang mga rehiyon ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, batay sa mga kaukulang batas at patakaran.

Ang pagsuspinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakadepende sa pagpapasya ng kani-kanilang mga namumuno.