Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Naic ng 3-day relief operations sa iba't ibang barangay mula Huwebes, Hulyo 24, 2025 hanggang Sabado, Hulyo 26, 2025.
Pamamahagi ng food packs
Namahagi ng food packs ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang sa mga sumusunod na barangay:
- Barangay Labac
- Barangay Mabulo
- Barangay Sapa
- Barangay Bancaan
- Barangay Bucana Sasahan
- Barangay Timalan Balsahan
- Barangay Timalan Concepcion
- Barangay Bucana Malaki
Iba pang tulong
Umarangkada rin ang Libreng GOTO mula kay Cong. Aniela Tolentino, na namahagi rin ng ayudang bigas. Bumisita rin si Cavite Governor Abeng Remulla sa mga barangay na lubhang naapektuhan upang maghatid ng tulong, kasama ang ilang lokal na opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Naic.
Katuwang sa operasyon
Katuwang sa nasabing operasyon ang MSWD, Naic MDRRMO, BFP, Naic Municipal Police Station, at iba pang mga organisasyon at volunteers na taos-pusong nakiisa upang maghatid ng tulong.
Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pagkakaisa — Naic, posible!



