Sa gabay ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, katuwang ang Business Permits and Licensing Office (BPLO), matagumpay na naisagawa ang dalawang-araw na LIIC Workshop nitong November 17–18 sa Triple 8, Sabang, Naic, Cavite.
Tinalakay sa programa ang overview at layunin ng LIIC, expectations ng mga mamumuhunan, at mga paraan upang higit pang mahikayat ang investments sa Bayan ng Naic. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng LGU sa investment promotion, pati ang mga umiiral na batas sa pamumuhunan at kung paano ginagamit ang LIIC upang mapatatag ang fiscal adequacy ng ating Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic.
Kasama ring tinalakay ang CPD–LEEP LIIC Integration at ang gabay ng DILG Memorandum Circular 2020-167 para sa wastong pagpapatupad ng mga polisiya sa pamumuhunan.
Patuloy ang pagsusumikap ng Bayan ng Naic na makalikha ng mas bukas at matatag na kapaligiran para sa mga negosyante, para sa mas masiglang ekonomiya at mas maraming oportunidad para sa bawat Naicqueño.



