Sa walang sawang pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, isinagawa ang pamamahagi ng tulong-puhunan para sa mga piling 4Ps graduates noong Nobyembre 19, 2025 sa Triple 8 Multipurpose Hall, Sabang, Naic, Cavite.

Layunin ng programa

Layunin ng programa na suportahan ang mga pamilyang Naicqueño sa pagsisimula ng kanilang sariling kabuhayan, at tiyakin ang patuloy na paggabay at oportunidad. Katuwang ang DSWD at iba pang ahensya, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang magbibigay ng mas matatag at mabuting kinabukasan para sa bawat Naicqueño.