Localized Social Pension Distribution

Isinagawa sa Villa Apolonia Covered Court ang pagbisita at pamamahagi ng Localized Social Pension para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Bayan ng Naic, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang. Bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang panlipunan ng Pamahalaang Bayan ng Naic.

Nitong Lunes, Pebrero 23, 2026, sa Villa Apolonia, Naic, Cavite.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na naipapaabot ang tulong sa mga Naicqueñong higit na nangangailangan ng suporta. Nananatiling pangunahing prayoridad ang maayos, organisado, at tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa bawat komunidad ng Bayan ng Naic.