Naganap ang Turnover of Command ng Naic Municipal Police Station mula kay PLTCOL Jefferson Ison patungo kay PLTCOL Louie Dela Cuesta Gonzaga noong February 23, 2026, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Provincial Director PCOL Ariel R. Red sa ABC Hall, Naic Cavite.
Nagpapasalamat ang Bayan ng Naic kay PLTCOL Jefferson Ison sa kanyang dedikasyon at serbisyo sa komunidad, at binabati si PLTCOL Louie Dela Cuesta Gonzaga sa pagtanggap ng tungkulin bilang bagong Chief of Police. Ang maayos at propesyonal na seremonya ay nagpapatibay sa ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Naic at ng kapulisan, at nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng seguridad, kaayusan, at kapayapaan para sa bawat Naicqueño.



