Ang pahabol na payout na ito ay para sa mga hindi nakasama sa naunang schedule.
Iskedyul ng Payout
| Oras | Barangay |
|---|---|
| 8:00 – 9:00 AM | Brgy. Sabang |
| 9:00 – 10:00 AM | Brgy. Ibayo Silangan |
| 10:00 – 11:00 AM | Brgy. Labac |
| 11:00 AM – 12:00 NN | Brgy. San Roque |
| 1:00 – 2:30 PM | Brgy. Halang, Brgy. Timalan Balsahan, Brgy. Munting Mapino |
| 2:30 – 4:00 PM | Brgy. Timalan Concepcion, Brgy. Calubcob, Brgy. Mabulo |
Venue: OSCA Office (MSWD)
Mga Kailangang Dalhin
Dalhin sa itinakdang araw ng payout:
- Original at photocopy ng Senior ID (Naic)
- May 3 pirma ang photocopy
Kung bed ridden, hindi makalakad, may sakit o nasa ibang lugar, maaaring mag-authorize. Dalhin ang mga sumusunod:
- Photocopy ng Senior ID na may 3 pirma
- Authorization letter (kahit sulat-kamay) na pirmado ng Senior
- Photocopy ng ID ng kukuha na may 3 pirma
- Picture ng Senior na hawak ang kalendaryo (kasalukuyang buwan at taon 2026), maaaring softcopy at ipapakita sa MSWD staff
Karagdagang Impormasyon
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin ang official Facebook page ng MSWD: https://www.facebook.com/share/1KAstV2mU1/



